Kapag naririnig ko ung salitang “malapit na pasukan!” naiinis ako. Ok sana kung dahilan ko talaga eh tinatamad pa kong pumasok at gusto pang ma extend bakasyon eh. Kaso hindi. Naiinis ako dahil napunta ako sa section na kung saan nandon yung mga taong ayaw ko ng maalala. Para silang bangungot. Tiniis ko yung sampung buwan na pag-aaral ko sa first year hs na wala silang ginawa kundi i bully ako tapos matatapos na lang ako ng highschool ma bubully na naman ulit ako? tae. Nakakabwisit.
Gusto kong matutong lumaban. Gusto ko meron akong masabi sa kanila. Hindi yung kung kailan nila ako matapos sigawan dun ko lang maiisip ung mga dapat kong sasabihin sa kanila. Yun yung nakakainis eh. At kapag sumisigaw ako, maya maya mapapaiyak na ko. Hindi ko talaga kayang makipag-away. Nakaka konsensya. Feeling ko ang sama sama ko. Tapos buong gabi ko iisipin ung ginawa kong ‘yon. At nahihiya pa ko sa sarili ko. Iisipin ko kung ano na yung tingin sakin ng mga tao. Nakakainis! hindi ko alam kung bat ganito ako ka weird. Basta gusto kong subukan lumaban. Naaawa na ko sa sarili ko bwisit. :((
Wala kaming masyadong napupuntahan pero feel ko talaga ang saya this summer.
- May 03. Niligtas na ako ni GOD.
- Gumaan loob ko kay lola
- Ngayon lang ako ulit tumawa ng sobrang tagal.
- Mabait na si pinsan sa’kin.
- Hindi ako umitim
- Nakakabonding ko mga tito ko.
- Binigyan akong 100 euro , yey =))
- Ginagawa na bahay namin.
- Ang daming blessings!
- Thank you LORD. :)

Pumunta yung pastor sa bahay bakasyunan namin sa minalin. Kung saan may multo. Then nagturo sya don. Kaso umuwi ako kaagad samin, kainis. Di ko tuloy narinig ung mga turo ng pastor. Pero ok lang, naligtas na yung mga pinsan at iba kong kamag-anak eh. Si arvie na lang daw mag witness sakin para sa salvation ko. :) Grabe, ang bait nya. Kundi dahil sa kanya wala akong malalaman tungkol sa eternal fire (hell) at eternal life (heaven). At lalo na kay GOD. Mas lalo akong napalapit sa kanya. At ramdam ko na mahal na mahal talaga ako ng Diyos.
Sinabi ko rin sa iba yung turo sakin ni arvie na galing sa bible. May naniwala, at meron ding hindi. I asked him kung bakit maraming ayaw maniwala. Then sabi nya,
“Kahit hindi sila maniwala, atleast sinabi mo ang totoo. Wala na sila sa mga kamay mo.”
Sa manila na ko nakabili kasama sina pinsan. Balak ko talaga bumili nun pag nandyan sila eh. LIBRE =))) At tsaka wla akong gana bumili sa Pampanga. Ayaw akong samahan haha. Wala akong picture. Baka masabihan pa ko ng mayabang at maniglo. :))) basta masarap. :P kahit madumi nga lang sa bibig.
- gigising ka. MAINIT
- mag ppc. MAINIT
- kakain ng malamig. PAWIS pa rin.
- maliligo. AYUN PRESKO!
- maya’t maya
- PAWIS na naman.
- matutulog. MAINIT
- pagkagising. PINIPRITO NA.
Kung tutuusin, maraming kabataan ngayon ang nagpaplano ng wedding kahit di naman sila ganon kasigurado sa mga boypren/gelpren nila. Kaya di na ko magtataka kung bakit may na engaged at the age of 16.

Since kapampangan ako at hilig ko ang sisig, nagpaturo ako kay nei magluto nito. Sa halagang 50 php makakapagluto ka ng sisig. Basta kumpleto ka ng sangkap sa bahay. Asin, calamansi, toyo, sibuyas, betsin, at sili. Syempre kailangan din ng baboy. Liempo will do :D . Nung nandun ako sa bahay nila nei pinapanood ko lang siyang magluto. Then sinubukan kong gawin sa bahay namin. At ayun, nagustuhan nila mama yung luto ko. HAHA Biruin mo nakapagluto ako. Its a miracle. :)) Pero sa totoo lang, MASARAP! HAHA di ako humble sorry. =)) uulitin ko ‘to promise.
Gusto kong makita niya ako na umaakyat sa stage, gusto ko siyang makasayaw sa debut ko, gusto kong siya ang maghahatid sakin sa altar, gusto kong makita niya ang mga magiging apo nya, gusto kong makita niya na naging successful ako. Gusto ko pa siyang makita. Gusto ko pa siyang makasama. Lord, wag mo muna pong kukunin si Papa. Please?
Bakit ba kasi katabi pa namin yung chapel. Pahirapan na naman sa pagtulog.
Kahit na sobrang busy na namin lalo na ngayong bakasyon, hindi pa rin namin pinalagpas ang araw na to. Ginawa naming espesyal ang bawat minuto na magkasama kami. Tawanan, kwentuhan, kulitan. Kahit na puro chocolate (na galing sa papa ko XD) ang nabigay ko sa kanya, at kahit letter lang ang naibigay niya sa akin. Ok na. Solve’solve na ko dun. Kinilig ako e. Pero hindi ko matanggap na wala akong nabigay na letter sa kanya. Bakit ba pinanganak akong tanga asdfghk. Pero natuwa naman daw siya sa chocolates kaya medyo napanatag ako. :))
Lovesss, pasensya na kung matampuhin ako. Alam mo naman kung gano kita kamahal diba. Kaya wag mong iisipin na nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Batukan kita eh. Wala yun, minsan nagseselos lang talaga ako. HAHAHAHA echos. Basta tandaan mo, 7 days man tayo nagkaroon ng away. 24 hours man tayong nagkatampuhan. Hindi pa rin matatalbugan ang 60 days na pagmamahalan. :)) ayan ha, binilang ko talaga sa kalendaryo yan. Iloveyousomuch yam! Mahal na mahal kita. Happy 2nd monthsary:*
Ang saya lang tingnan na tapos na sila sa highschool. Makita mo silang umakyat sa stage, na picture’an mo pagkababa. Nakasuot ng toga. May hawak na diploma.
Parang kailan lang nakikita’t nakakasama mo pa sila sa iisang paaralan tapos nag graduate lang kanina. Maaaring junior pa lang ako pero sobrang mamimiss ko yung senior batch 2012. Marami akong inidolo sa kanila. Sina Awit Garcia (search nyo sa youtube), Glaizel Dela Cruz,-(sila yung mga kumanta kanina), mga crush ko (no need to mention baka ma search pa ‘to :P) , Camille Paez -the salutatorian, Michael Francisco - the valedictorian. Sa pinakamamahal kong si nei na nareward din kanina (i forgot nga lang kung ano leshe -____-) at lalong lalo na sa kuya ko.
Nakakaiyak din tingnan yung mga estudyanteng nagsisi’iyakan. Eh sinabayan ba naman kasi ng music na sobrang nakakaiyak. Haha Pero ok lang. Mararanasan ko rin yan next year. Alam ko namang mahirap talaga iwanan ang mga teachers at classmates na 4 years mong nakasama. Basta mahirap. Di ko alam i explain haha.
Anyway, congrats batch 2012!
kung nasan ka man ngayon alam kong mababasa mo to.
Ano ba? Sira ulo kaba talaga. Nung isang araw lang pinagsisigawan mong pogi ka. Tapos ngayon malalaman ko na lang na nag delete ka ng fb at tumblr. Problema mo?
Gusto ko lang malaman mo na namimiss na kita. Kaya kung nagtatampo ka man dun sa ginawa ko sayo, ok pasensya. Nakalimutan ko talagang mag reply. Hindi naman kasi ako galit tapos aawayin muna ko. Suntukan na lang oh. Leche. BUMALIK KANA KASI! OO NA NAMIMISS NA KITA KAYA BUMALIK KA NA! Pag di ka bumalik papatayin kita! Leche. Di buo araw ko kapag wala ka. KAYA BUMALIK KANAAAAAAAAAAAAA!!!! Please naman oh D;
|